Kapag ikaw ay napasyal sa Hongkong Ocean Park, makikita mo ang isang katulad niya na caricature artist. Pipili ka lang ng design, uupo sa kanyang harapan at sisimulan na niyang iguhit ang iyong mukha. Sayang nga lamang at di ako nakapagpaguhit sa kadahilanang may kamahalan at talagang naka budget na lang ang aking pera. Para sa akin ay napaka husay ng kanyang kamay sa pagguhit, kuhang kuha niya ang lahat ng anggulo ng iyong mukha. Hay.... bakit ba nung nagsabog ang Diyos ng husay sa pagguhit at nagtago ako sa loob ng drum hehehe... Di bale sa ibang bagay naman ay may husay din ako tama??!! ;) Maligayang Huwebes mga ka LP lahat!!!!
Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts
Thursday, February 25, 2010
Thursday, February 18, 2010
Litratong Pinoy - Batik/Mantsa (Speck/Stain)
Sa aking pagbabalik sa pinas, tila nakikisaya sa akin ang mga ulap. Kay ganda nilang tingnan sa batik batik na ayos na tila handang saluhin ang eroplano sa oras na ito'y malaglag. Maligayang araw sa inyo mga ka LP!!!
Labels:
Litratong Pinoy
Thursday, February 11, 2010
Litratong Pinoy - IYO (yours)
Ito ay ang aming singsing ng mag-isang dibdib kami ng aking asawa noong Marso 28, 2009. Para sa aking mahal na asawa, sa nalalapit na araw ng mga puso, ako'y may maikling tula na alay ko sa IYO.
Sa araw na ito, ako'y magiging iyong iyo
Alay ko ay bukal na puso na nagmamahal sa iyo.
Ang ating sumpaang wagas na pagmamahalan
Hanggang sa ating pagtanda ika'y paglilingkuran.
Ako'y nalulugod, na ikaw ang pinagkaloob
Sa aking panalangin di ako nabigo,
Isang lalaking responsable at tunay na maginoo
May takot sa Diyos at mapagmahal na totoo.
Ako'y nalulugod, na ikaw ang pinagkaloob
Sa aking panalangin di ako nabigo,
Isang lalaking responsable at tunay na maginoo
May takot sa Diyos at mapagmahal na totoo.
Labels:
Litratong Pinoy
Thursday, February 4, 2010
Litratong Pinoy - AKIN (mine)
Ang aking unang sali sa Litratong Pinoy. Ito ang aking mga kaibigan na nakasama ko noong nagtrabaho ako sa Hongkong. Sa mga oras na ako'y nalulumbay, nilalaro-laro ko lang sila sa pamamagitan ng pagpapalit palit ng kanilang itsura at kasuotan. Hindi ba't nakakatuwa sila?! ;)
They are my cute and wacky friends when I worked in Hongkong. When I felt sad, I just played with them by changing their looks and dress. They are so funny, aren't they?!
Labels:
Litratong Pinoy
Subscribe to:
Posts (Atom)
About Me
- Sheren-May
- Carmona, Cavite, Philippines
- I'm a teacher and happily married...





